3D2N Malapascua - Kalanggaman Travel Guide


Just wanna share our trip to Malapascua and Kalanggaman last March 6-8, 2017. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊
WARNING: MAHABA Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/fd0/1/16/1f602.png😂

Day 1 (March 6, 2017)
5:50AM ETD MANILA
7:10AM ETA TACLOBAN
7:10AM - 8:00AM Daniel Z. Romualdez Airport to Terminal
8:00AM - 11:00AM Terminal to San Isidro, Leyte
11:30AM - 2:30PM San Isidro, Leyte to Malapascua
2:30PM - 3:30PM Late lunch
3:30PM - 7:30PM Free time
7:30PM - 10:00PM Dinner and happy happy
11:00 Lights off
Day 2 (March 7, 2017)
4:00AM WAKE UP!!!
5:45AM - 8:30AM Malapascua Island tour (japanese shipwreck, coral garden and 35ft. cliff jumping)
8:30 - 9:00AM Breakfast
9:00AM - 11:00AM Malapascua Island to Kalanggaman
11:00AM - 12:30PM REST, FREE TIME
12:30PM - 1:30PM Buffet lunch
1:30PM - 8:00PM Free time, swimming, picture taking, rest, socials, wash up etc etc.
8:00PM - 9:00PM Dinner
9:00PM Lights off
Day 3 (March 8, 2017)
5:00AM GOODMORNING KALANGGAMAN!!!
7:30AM - 8:30AM Kalanggaman to Palompon
8:30AM - 11:30AM Palompon to Tacloban
11:30AM - 12:00NN Lunch
12:00NN - 3:45PM Tacloban City Tour
3:45PM - 4:15PM Pasalubongsss
5:45PM ETD TACLOBAN
7:10PM ETA MANILA

Expenses (PER HEAD):
·         Jeep from DZR Airport to Downtown - 13php
·         Jeep from Downtown to Abucay Terminal - 8php
·         Van from Abucay Terminal to San Isidro Terminal - 180php
·         Boat from San Isidro to Malapascua to Kalanggaman tour - 1,700php
·         **Inclusions: accom. in Malapascua, Malapascua & Kalanggaman island tour (overnight), environmental fee, Kalanggaman buffet lunch
·         Lunch & dinner (Malapascua) - 400php-500php
·         Wooden tent in Kalanggaman (good for 4pax)- 1,000php (200php each)
·         Tent (good for 4pax) – 400
·         Tubig tabang - 50php per gallon
·         Boat from Kalanggaman to Palompon - 215php
·         Van from Palompon to Tacloban - 150php
·         Tacloban City Tour - 1,500php (good for 7pax) (215php each)

***Kayo na bahala magcompute pero 4k each yung budget namin dito. (Airfare not included)


NOTES:

1.    From airport madami mag aalok sa inyo ng taxi/van na 250php and tryk na 150php, avoid avoid avoid that! Pwede naman magcommute from airport to terminal e. Sakay kayo ng jeep papuntang Downtown tapos magpababa kayo sa McDo, tapat non Savemore then lakad lang kayo ng konti may masasakyan na multicab papuntang Abucay Terminal 8php lang pamasahe and tadaaa! nasa terminal ka na papuntang San Isidro.
2.        Expect na sasakit ang pwet niyo papuntang San Isidro kasi matagal talaga ang byahe. Kaya kami di na kami nakapaglunch sa Tacloban kasi dumeretso na kami ng San Isidro, snack snack nalang. Magdala din kayo ng waterproof na bag dahil sobrang alon papuntang Malapascua. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/fbc/1/16/1f30a.png🌊

3.    MAHAL ANG FOOD SA MALAPASCUA. Wala kaming baon na food para lutuin pero may karindirya sa looban na mura, 85php combo meals, 20-50php mga ulam and 10php rice, dun kami nag lunch nung day 1 and breakfast nung day 2 and nagdinner kami sa isang restobar nung day 1, bumili nalang kayo ng sarili niyong mineral water dahil wala silang service water. May mabibilhan naman don na 6liters na mineral worth 100php pwede niyo pang pa-refill-an at dalhin pa-Kalanggaman. Puro din poreynjer. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊 Madami ding diving sites don.


4.    Since kinulang kami ng oras nung day 1, pinagpabukas nalang namin yung island tour sa malapascua, and ang sama ng panahon, pero enjoy pa rin! Ingat lang sa Japanese shipwreck, baka hilahin kayo ng mga namatay don! Hahahaha! Kidd. Hindi kami nakapag coral garden kasi sobrang lakas ng alon dahil nga may low pressure, ang lakas ng hangin. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f71/1/16/1f614.png😔 pero tinuro naman ni kuya kung saan yon so dinaanan pa rin namin.

5.    Make sure na may dala kayong food pag mag oovernight kayo sa Kalanggaman, yung iggrill at iffry lang, basta yung madaling lutuin dahil wala talagang kuryente don at walang mabibilhan ng food. May tindahan pero noodles at pancit canton lang ang choices plus may mga alak din like redhorse, empi, and pilsen. Tubig alat lang ang libre sa Kalanggaman, 50php ang tubig tabang per gallon. Meron din dun bike na marerent, 150php per hour. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊 Yung sa matutulugan naman, may mga tent don worth 400php good for 4pax, meron din wooden tent worth 1,000php good for 4pax pero kasya lima pag siksikan and cottage 500php good for 10pax. Nagrent lang kami ng isang wooden tent at isang tent. May bayad din ang upuan (30php) at lamesa (50php). At dahil biglaan lang naman yung overnight namin sa Kalanggaman, nagtake out kami sa buffet lunch namin na kasama sa tour. Hahahaha!


6.    Tacloban city tour inclusions: MacArthur Landing Memorial National Park, Sto. Niño Shrine and Heritage Museum, San Juanico Bridge, M/V Eva Jocelyn Yolanda Memorial Marker. Bumili na din kami ng pasalubong sa Downtown. I-ready niyo na din mga sarili niyo pag narinig niyo yung mga nangyari sa tacloban nung Yolanda. Iba pa rin pala kasi talaga pag sa nakaranas mismo nanggaling yung kwento.

7.    Medyo in-adjust namin yung mga oras ng travel kasi naghihintay pa ng passengers yung van sa terminal.


8.    Promo yung nakuha naming roundtrip airfare sa airasia worth 300+.

9. Hindi kami sabay sabay ng flight pauwi dahil may iba na 3days, 4days and 5days.
Sobrang sulit yung travel na to kahit nakakapagod. Hahahaha! Ie-edit ko nalang pag may naalala akong dapat i-note. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊



Contacts:
+63 946 155 5732 - Kuya Redel Malapascua/Kalanggaman
+63 975 448 6026 - Kuya Julius city tour
- POTZ REPUBLIC

Pictures from the trip:
















By: Chans

Travel Raisonneur

No comments:

Post a Comment

Instagram