4D3N Davao Travel Guide



Hi! Medyo mahaba-habang post po ito. Gusto ko lang i-share yung itinerary namin ng friends ko sa Davao last February 14-17, 2017. Baka sakali makatulong sa mga magttour around this beautiful city! Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊

DAY 1: ARRIVAL, NATURE TRIPPING, NIGHT MARKET
We arrived past 12nn at Davao City, after which nagcheck-in kami sa aming temporary home (we booked it via AirBnb). Located siya sa Cabantian, which is just a few minutes from the airport and a few rides from downtown.
The house has three rooms, two bathrooms, and one powder room. Sobrang ganda ng bahay, it was like staying in a hotel villa. Sobrang bait pa ng host namin! Eto yung listing nung pinagstayan namin: https://www.airbnb.com/rooms/8397398
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Crocodile Park + Butterfly Garden + Tribu K'Mindanawan : ₱250.00/pax
Kung nag-eenjoy kayo sa mga zoo, sigurado mag-eenjoy din kayo dito sa Crocodile Park. Hindi lang po mga crocs ang nasa park, merong birds, snakes, ostrich (!), barn animals, atbp! Pwede po kayo magpakain ng crocodiles kung gusto ninyo. Yung Butterfly Garden nga pala, lalabas ka ng Crocodile Park and it will take you a 10-15 minute walk to get there, depende kung gaano ka ka-pagod or puyat.
Sinwerte kaming may nasakyan na trike palabas ng Crocodile Park. Pagdating ng kanto, wala kami masakyan na bus papuntang downtown, kaya nag-taxi kami papunta SM para kumain ng lunch. Sobrang gutom na kasi kami e, huhu.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png SM Lanang
Dito na kami naglunch slash early dinner. Sa gutom namin, sa Mang Inasal na kami kumain. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/fd0/1/16/1f602.png
😂 Dito rin kami nag-grocery ng iluluto naming breakfast at dinner for our 4D3N stay.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Roxas Night Market
Pwede na po dito magfoodtrip, mura lang mga bilihin. Maraming nabibiling street food -- barbecue, isaw, durian ice cream, flavored buchi, fruits, tuna, etc! Meron din tiangge. Basta marami talaga. FYI, Totoo nga, pwede ka maglakad-lakad sa Davao ng gabi kahit nakalabas pa cellphone mo nang hindi natatakot na hahablutin ito. Hahaha, medyo nakakapanibago!
Bumili na kami ng boxes ng pomelo dito, akala namin nakamura na kami at 70 per kilo. Hahaha hindi pala! Kaya naman pala dali-dali kaming sinakay ng taxi nina kuya na nagtitinda ng pomelo.

Day 2: COUNTRYSIDE + CITY TOUR
Nagrent po kami ng van para mas hawak namin ang oras, lalo na medyo malayo po ang Eden. Contact niyo po si Kuya Nel Zamora (09151739308). Siya po naging driver/tour guide namin. Mabait po yan, pramis! Siya nagturo samin kung san maganda pumunta.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Eden Nature Park 
Entrance + Buffet Lunch: ₱550.00/pax
Guided shuttle tour: ₱120.00/pax
I recommend getting the buffet lunch kasi sulit po talaga ang food. Marami, masarap. Pasado sa panlasang Kapampangan, hahaha!
Take the shuttle as well. Mas maaappreciate niyo po siguro yung place lalo na pag dinescribe ng tour guide. Super photogenic din po ng Eden, kaya siguro binabalik-balikan ng mga tiga-doon. Sayang lang at umulan nang pagkalakas kaya di na kami nakasakay ng Skycycle. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/fe/1/16/1f622.png
😢
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Japanese tunnel: ₱50.00/pax 
Pwede niyo po skip to kung gusto niyo hehe. Medyo mainit po sa loob, atsaka ilang meters lang ang lalakarin. Sabi kasi ng tour guide, marami nang iniba ang management sa tunnel. Basta, pwede niyo na ito skip kung gusto niyo. Hahaha, maiintindihan siguro ako ng mga napuntahan na ito.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Museo Dabawenyo: FREE 
Bawal po ang picture taking sa loob ng museum, pero pwede magpapicture doon sa may stairs facing the entrance. Dito kami maraming natutunan about Davao, lalo na about the people of Mindanao. Magaling ang tour guide namin na si Ate Jing, lahat ata ng mga tanong namin ay nasagot niya.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Malagos Chocolate (Puentespina Compound, Agdao, Davao City)
Walang entrance fee, plus pwede ka magfree taste sa award winning dark chocolate nila. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/ff7/1/16/1f36b.png
🍫 Tinikman ko yung signature hot chocolate nila. Nag-enjoy din kami tumikin ng 65%, 72% at 85% dark chocolate. Recommended for pasalubong! Ito na pinuntahan namin dahil di na kami nakapunta sa Malagos Garden Resort. Umuulan kasi e, baka di rin namin maenjoy.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Lola Abon's Durian Candy Factory
Dito po kayo mamili ng durian candies. Galante sila sa free taste, haha! Personal fave namin ang durian coffee yema pati yung durryum cookies. Tikman nyo din Durian Ice Cream!
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png President Duterte's House
Libre lang, walang entrance fees. Pwede rin papicture sa standee ni Presidente.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Aldevinco Shopping Center
Dito maraming mabibiling pasalubong talaga! Keychains, ref magnet, malong, scarfs, bags, shirts, at kung ano pang souvenir items. Marunong ka lang talaga dapat tumawad. Meron naman magbibigay ng discount lalo na kapag marami-rami kang nabili sa kanila.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Jack's Ridge
Wala din entrance fee. Pwede kayo dito magdinner. Makikita niyo from below ang city lights ng Davao, ang ganda tignan! Tried these from Karlo's Gourmet and Coffee: Durian Coffee, Mangosteen Kapeccino and Durian Mousse. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png
😊

Day 3: SAMAL ISLAND
Si Kuya Igo Ventura (pronunciation: EYE-go) po aming naging tour guide/habal habal driver/photographer. Eto contact number nya (09759385001). Highly recommended po yan! Marami ka matututunan sa kanya at kukunan kapa ng magagandang pics. Da best sya pramis!
Bale sumakay kami ng RoRo sa Sasa Wharf, 10 pesos per person papunta Samal Island. Ganun din pamasahe pabalik. Mura lang di ba bes?
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Monfort Bat Sanctuary: ₱100.00/pax
Sabi ni ate na tour guide namin (huhu sorry nakalimutan ko name niya), dati 1.8 million lang daw ang bats na nandoon, ngayon umabot na yata ng 2.5 million! Ganun na sila karami! At parang in groups pa talaga sila, parang magkakasama depende sa age bracket. Hehehe. Btw, di po nangangagat mga paniki na yan, mga fruit bats po sila. At hindi rin pwede pumasok sa cave hehe. Pwede mo naman sila makita mula dun sa harang. Magready nga lang at medyo matindi lang po talaga ang amoy ng guano (bat excrement).
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Bluebird Viewdeck: ₱10.00/pax
Dito magandang magpapicture, tanaw mo kasi mula dito yung Malipano Island. Basta, maganda ang view, period.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Sabang Cliff Diving
Walang entrance fees na siningil sa amin dito. Magccliff diving siguro ako kung hindi ako nanlambot nung malaman kong pati remote ng GoPro ko ay nagcliff dive na at hindi na mahanap. Huhuhu! Hindi ko tuloy makwento kung ano pakiramdam ng cliff diving.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Kaputian Beach: ₱15.00/pax
Naglunch kami sa tabing carinderia, buti nalang at may natira pang ulam. Pagdating sa beach, white sand nga! Hindi nga lang as fine ng ibang white sand beaches, pero pwede ka na dito umawra bes.
Iba pang destinations na hindi namin napuntahan:
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png
 Hagimit Falls: ₱50.00/pax
We had to skip Hagimit Falls kasi umulan nun, kulay chocolate din daw ang tubig. Para ka lang maliligo sa putik hehe. Pero pwede nyo po puntahan pag maganda panahon.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png Maxima Aqua Fun: ₱300.00/pax
Dumaan kami dito pero feel namin magpunta nalang ng beach para ma-save pa yung ₱300 sa ibang gastusin. Medyo nagtitipid na kasi kame. Hahaha.

Day 4: LAST DAY Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/fe/1/16/1f622.png😢
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f33/1/16/2705.png
 People's Park: FREE
Pwede kayo magpictorial dito, haha! Nagpakain kami ng birds Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png
😊
Pwede rin kayo dumaan ng Pasalubong Center sa likod lang ng park. Maraming cheap finds dito, lalo kung gusto mo maglast-minute shopping.
Paglabas, pwede din kayo maglakad-lakad lang around the city. Maappreciate niyo kalinisan lalo kung di kayo sanay na nakikita yun where you're from. Haha! Limited lang kasi time namin kaya medyo nagmamadali kami umuwi.
Eto po summary ng expenses namin per person during our stay:
Transportation: ₱2,645.00*
Tours: ₱1,095.00
Accommodation and Food: ₱2,000.00
Airfare: ₱2,800.00**
TOTAL: ₱8,120.00
*Inclusions: fares sa jeep, taxi, habal-habal, trike, roro, pati ang van rental. Sa sobra naming pera, diyan na din galing ang pang-Grab and bus fares namin pauwi ng Pampanga
**Booked via Traveloka, di pa promo fare yan sa lagay na yan. Regular fare costs 5k per way yata, can be wrong though.

Other tips: 
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f40/1/16/25b6.png
 Pwede niyo po idownload yung DAVAO CITY JEEPNEY GUIDE sa Play Store para may guide kayo kung gusto niyo magjeep. Makikita niyo routes ng iba't ibang jeep, mabibigyan pa kayo ng idea kung magkano ang fare. Sobrang helpful talaga lalo pag nagbabudget ka. Medyo mahal din kasi kung puro taxi sasakyan, lalo na tumaas na flagdown rate at di kami kasya sa iisang taxi. Pero meron kami napakiusapan na mga taxi drivers, haha. Di lang sila mabait, honest pa. Sila pa minsan tumatanggi sa dagdag eh, pero siyempre iinsist namin dahil nakiusap lang kami.
Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f40/1/16/25b6.png Mababait po mga taga-Davao, pag nagtanong ka, ituturo nila kung saan po kayo pwede sumakay. Nakakatouch nga iba sa kanila, sinasakay pa kami ng jeep at kakausapin pa ang driver. Oo, ganun sila ka-warm! Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f6c/1/16/2764.png<3Ngayon talaga, we agree that "Life is here!" Hindi chismis ang cleanliness at safety sa lugar. Miss na nga namin doon e, gusto na namin bumalik.
That sums up our 4D3N itinerary at Davao City. Sana po magenjoy kayo dun! We loved our stay there, babalik kami for sure. Description: https://www.facebook.com/images/emoji.php/v7/f7f/1/16/1f60a.png😊























By: Irene Villar

Travel Raisonneur

No comments:

Post a Comment

Instagram